^

Bansa

DAP ilegal talaga

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa botong 13-0, pi­nag­tibay ng Korte Suprema ang nauna nitong deklarasyon na illegal­ o labag sa Saligang Batas ang ilang probisyon ng Disbursement Accele­ration Program (DAP).

Gayunman, sa pi­na­kabago nitong desisyon, bahagya nitong pinagbigyan ang motion for reconsideration (MR) na inihain ng administrasyong Aquino sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General (OSG).

Nananatili ang unang desisyon ng Korte Suprema na ilegal ang pag­dedeklara ng saving kahit hindi pa tapos ang fiscal year at cross-border transfer o paglilipat ng budget mula sa isang tanggapan patungo sa ibang tanggapan na hindi nasasakop ng Ehekutibo.

Nilinaw din ng Kor­te na tanging ang may-akda lang ng DAP ang pwedeng papanagutin, walang pananagutan ang mga tagapagsulong ng proyekto at maging ng mga nagpatupad nito.

Gayunman, lusot pa rin sa pananagutan ang may-akda ng DAP kung mapapatunayang “in good faith” o wala itong hinangad na masama nang ipatupad ang proyekto.

Kinilala rin ng Korte Suprema ang mga magi­ging epekto kung idedeklara pa nitong invalid ang mga proyektong naipatupad na sa ilalim ng DAP.

“Under the operative fast doctrine, it would be more unproductive or disastrous for the court to declare these projects invalid and therefore sustained those projects as valid,” sabi ni SC spokesman Atty. Theodore Te.

Ang DAP ay ipinatupad ng administrasyong Aquino sa pamamagitan ng Department of Budget and Management (DBM) na pinamumunuan ng kalihim na si Butch Abad.

Nakatakda sana itong gamitin bilang pandag­dag sa mga existing programs and projects ng gob­yerno subalit sina­sabing na­gamit din umano itong pansuhol sa mga senador na bumoto ng pabor sa impeachment ni dating Supreme Court Chief Justice Renato­ Corona.

Ikinatuwa naman ng Malacañang ang pag­lilinaw ng Korte Suprema na “in good faith” ang pamahalaan nang ipa­tupad ang programa.

vuukle comment

AQUINO

BUTCH ABAD

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

DISBURSEMENT ACCELE

GAYUNMAN

KORTE SUPREMA

OFFICE OF THE SOLICITOR GENERAL

SALIGANG BATAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with