Purisima nakaalis na ng Pinas?
MANILA, Philippines – Inaalam ngayon ng Malacanang kung totoo ang mga ulat na nakalabas na ng bansa ang suspendidong hepe ng Philippine National Police (PNP) na si Director General Alan Purisima.
"I'm not sure if the story that he left is accurate. We will verify with the Bureau of Immigration," wika ni Lacierda ngayong Lunes.
Si Purisima ang umano'y nagplano ng pag-atake ng PNP-Special Action Force sa Mamasapano, Maguindanao kung saan 44 na pulis ang nasawi.
Pinlano ito umano ni Purisima nang hindi ipinapaalam kina Interior Secretary Manuel Roxas II and PNP officer-in-charge at Deputy Director General Leonardo Espina.
Ayon sa mga ulat, umalis ng bansa si Purisima nitong Biyernes patungong Saipan.
Ipinagtanggol na ni Aquino ang malapit na kaibigang si Purisima at sinabing hindi na nangialam ang suspendidong hepe matapos suspendihin ng Ombudsman.
"Tapos after that, if at all, 'yung siya ang very knowledgeable about the whole thing; ipinapaliwanag sa akin 'yung intricacies of what the plan being presented to be was," pahayag ni Aquino nitong nakaraang linggo.
- Latest
























