Kamara sinuspinde ang Mamasapano probe
MANILA, Philippines – Ipinagpaliban muna ng Kamara ang kanilang imbestigasyon sa engkwetnro sa Mamasapano, Maguindanao na ikinasawi ng 44 miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force.
Ititigil ng Kamara ang kanilang hiwalay na imbestigasyon upang paunahin ang sa Philippine National Police Board of Inquiry (BOI).
Ang magiging resulta ng imbestigasyon ng BOI ang gagamiting basehan ng mga mambabatas oras na talakayin na nila ang insidente sa pagitan ng mga pulis at ng Moro Islamic Liberation Force (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.
"Patatapusin muna namin yung kanila. Whatever it is, let them finish that because part of the work is in the field and so forth," pahayag ni House Speaker Feliciano "Sonny" Belmonte Jr.
"I would like to leave that (immediate probe) to the professionals, to the people who are actually investigating it. They are more aware of the situation on the ground," paliwanag ni Belmonte.
Nauna nang iminungkahi ng House of Representatives na kasuhan ng multiple murder ang mga pumaslang sa mga pulis.
- Latest

























