^

Bansa

Isang international terrorist, 44 ang kapalit: ‘It’s worth it’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - “Is it worth it? One in­ternational terrorists equals 44 deaths?”

Ito ang katanungan kahapon ni PNP-Special Action Force (SAF) officer-in-charge P/Chief Supt. Noli Taliño sa kaniyang binitiwang “eulogy” sa ginanap na necrological services para sa 42 elite SAF commandos na pinaslang ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Mamasapano, Maguindanao.

Sinabi ni Taliño, sa pagkakakilala niya sa tapang ng mga SAF commandos ay sasang-ayon ang mga ito na “it’s worth it” dahil nagbuwis man sila ng buhay sa ‘special mission’ ay libong buhay naman ang kanilang maisasalba at maililigtas sa pagkakapatay nila sa international terrorist na si Marwan.

Si Marwan, may $5 milyong patong sa ulo ay isang Malaysian Jemaah Islamiyah terrorist na sangkot sa mga pambobomba sa Mindanao.

“ I felt guilty for what happened, we did our best but our effort was not enough,” ani Taliño na sinabing malaking kawalan sa hanay ng SAF ang pagkamatay ng 44 magigiting nilang mga opisyal at mga tauhan.

“Mike Juan, bingo,” anang opisyal na sinabi ng isa nilang SAF radio man bago pa man ito mawala sa linya matapos na mapaslang si Marwan.

Sa kabila nito, ipagpapatuloy naman nila ang pagtugis sa isa pang kasamahan ni Marwan na si Basit Usman, dating Special Operations Group ng MILF na sinanay ng JI terrorist sa pambobomba.

Ang mga SAF commandos ay siya ring mga bayani sa Zamboanga siege noong Setyembre 2013 sa 20 araw na krisis matapos lusubin ang lungsod ng daang MILF.

Sinabi nito sa pamilya ng mga naulilang SAF commandos na huwag susuko sa gitna ng mga pagsubok at dalamhati sa buhay at para sa mga nabubuhay pa nilang elite forces ay ipagpatuloy ang laban para sa peace and order.

BASIT USMAN

CHIEF SUPT

MALAYSIAN JEMAAH ISLAMIYAH

MARWAN

MIKE JUAN

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NOLI TALI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with