^

Bansa

Pinakawalan matapos arestuhin Mayor Binay kinaladkad!

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaresto, kinaladkad, pinakawalan.

Ito ang naranasan kahapon ni Makati Mayor Junjun Binay matapos arestuhin ng Senate Sergeant-at-arms sa kanyang tanggapan sa Makati City hall upang iharap sa Se­nate Blue Ribbon sub-committee.

Dakong alas-11 ng umaga ng dumating sa Senado si Binay sakay ng kanyang sariling sasakyan at dumiretso sa tanggapan ng Senate Sergeant-at-arms habang isinasagawa naman ang ika-14 na pagdinig ng Blue Ribbon sub-committee tungkol sa diumano’y overpriced Makati City Hall parking building sa pangunguna ni Sen. Koko Pimentel.

Bukod kay Binay, ka­sama rin sa mga ipinaaresto sina dating city administrator Marjorie de Veyra at kasalukuyang administrator na si Eleno Mendoza.

Pinatawan ng contempt si Binay at lima pa dahil sa patuloy na pang-iisnab sa hearing ng sub-committee.

Pansamantalang sinuspinde ni Pimentel ang hearing upang hintayin si Binay sa session hall pero pinanindigan ng abogado ni Binay sa mga senador na mas pipiliin ng alkalde na manatili sa kulungan ng Senado imbes na dumalo sa pagdinig.

Pero iginiit ni Pimentel na paharapin sa session hall si Binay dahil ito ang layunin ng pag-contempt at pagsisilbi ng arrest warrant dito.

Dahil dito kaya puwer­sahang dinala sa session hall ang alkalde para humarap kay Pimentel, maging kay Sen. Antonio Trillanes.

Nang makaupo na ang mayor tinanong ito ni Trillanes kung nangangaila­ngan ito ng special medical attention matapos ipakita ang kanyang braso na mistulang nasaktan pero ayon kay Binay ay okay naman siya.

Sa harap ng sub-com ay sinabi ni Binay na hindi niya nilalabanan ang Senado pero may mga karapatan din umano siya na dapat protektahan.

Muling tinanong ni Pimentel kung nakahanda ng sumagot si Binay sa mga inihanda niyang tanong pero iginiit ng mayor na pinayuhan siya ng kanyang mga abo­gado na huwag dumalo sa pagdinig.

Dahil sa pagma­matigas ni Binay, ipinag-utos na ni Pimentel na palayain ito at sina de Veyra at Mendoza.

Pero idinagdag ni Pimentel na pinalampas ni Binay ang pagkakataon na maipahayag ang kanyang panig.

“You are free to go,” panghuli ni Pimentel sa alkalde.

Nakapagsagawa pa ng isang press confe­rence si Binay matapos ang pagdinig kasama sina da­ting Senators Joker Arroyo at Rene Saguisag.

“Our role here is to prevent violations of the cons­titution, violations of human rights...civil liberties and the downgrading of governance. We have noticed that it is in­crea­sing, and we are disturbed,” pahayag ni Arroyo na nagsabi ring sa tingin niya ay may nilabag na ilang rules ang sub-committee sa nangyari kay Binay.

“We came here dahil ang tingin namin parang umiiral na naman ang batas militar sa Senado,” sabi naman ni Saguisag.

ANTONIO TRILLANES

BINAY

BLUE RIBBON

DAHIL

ELENO MENDOZA

PIMENTEL

SENADO

SENATE SERGEANT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with