^

Bansa

PNoy puwedeng ma-impeach

Butch Quejada at Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Maaring ma-impeach si Pangulong Aquno kung mapapatunayan na siya ang nagbigay ng “go signal” sa PNP-SAF na ikinasawi ng 44 tauhan nito sa bakbakan sa MILF sa Mamasapano, Maguindanao.

Sinabi ni ACT partylist Rep. Antonio Tinio, malamang mas mataas kina SILG Mar Roxas at acting PNP chief Deputy Director General Leonardo Espina ang nagbigay ng awtorisasyon para magsagawa ng operasyon ang mahigit sa 300 police commandos.

Wika ni Tinio, malaki ang responsibilidad ng Pangulo sa insidente at walang ibang maaaring managot dito.

Bukod dito, ang papel ng US forces sa evacuation ng mga nasawi at nasugatang miyembro ng SAF sa lugar ng engkwentro ang mabigat na batayan para ma-impeach ang Pangulo. Ito umano ang malinaw na kaso ng culpable violation of the Constitution at betrayal of public trust dahil ang operasyon ng SAF ay lumalabas na internal matter at hindi sakop ng anumang tratado o kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Estados.

Ang sakop lamang umano ng Visiting Forces Agreement (VFA) at mutual defense treaty ay ang operasyon at pagtutulungan ng militar ng Pilipinas at Amerika subalit hindi nito sakop ang sa PNP.

AMERIKA

ANTONIO TINIO

BUKOD

DEPUTY DIRECTOR GENERAL LEONARDO ESPINA

MAR ROXAS

PANGULO

PANGULONG AQUNO

PILIPINAS

VISITING FORCES AGREEMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with