^

Bansa

Early registration umarangkada na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umarangkada na kahapon ang month-long early registration sa mga pampublikong paaralan para sa School Year 2015-2016.

Ayon kay Education Secretary Br. Armin Luis­tro, ang early registration ay magtatagal hanggang Pebrero 27, 2015 sa lahat ng pampublikong elementarya at high school sa buong bansa.

Layunin ng maagang pagrerehistro ng mga mag-aaral na magkaroon ng maayos na pagbubukas ng klase sa Hunyo.

Sa pamamagitan kasi aniya nito ay mabibigyan ang departamento ng mas malinaw na larawan ng kabuuang bilang ng mga inaasahang enrollees sa susunod na pasukan.

Makakatulong aniya ito upang kaagad nilang matugunan ang mga ha­mon at problema na maaaring maganap sa panahon ng regular enrolment.

Nais rin aniya nilang matiyak na lahat ng ba­tang nagkaka-edad ng limang taon ay maipapasok sa kinder habang ang mga anim na taong gulang ay maie-enroll naman sa Grade 1 sa Hunyo.

Target ng early re­gistration ang mga out-of-school children (OSC) at out-of-school youth (OSY) mula sa marginalized sectors, kabilang na ang mga street children na edad lima hanggang 18-taong gulang. (Mer Layson)

ARMIN LUIS

AYON

EDUCATION SECRETARY BR

HUNYO

LAYUNIN

MAKAKATULONG

MER LAYSON

SCHOOL YEAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with