Pope humingi ng dasal sa namatay na volunteer
MANILA, Philippines – Sa pagsisimula ng programa sa UST, humingi ng isang minutong panalangin si Pope Francis para ialay sa isang babaeng church volunteer na si Kristel Mae Padasas, 27, nag-iisang anak na babae, na namatay sa Tacloban sa gitna ng Papal mass noong Sabado ng umaga. Dahil sa lakas ng hangin at ulan na dala ng bagyong “Amang” ay nabagsakan ito ng speaker dahil sa pagguho ng isang scaffolding.
“I would like all of you, young people like her, to offer a moment in silence with me... then we pray to our Lady in heaven,” pahayag ni Pope Francis.
“Let us pray for her parents. She was an only daughter. Her mother is coming from Hong Kong. His father is coming from Manila,” anang Santo Papa.
Una rito, personal na nakiramay si Pope Francis sa ama ni Kristel matapos silang magkita kahapon ng umaga sa Apostolic Nunciature.
Sa ulat ng Vatican radio, 20 minuto kinausap ni Pope Francis ang ama ni Kristel sa Apostolic Nunciature sa Taft Ave., Maynila bago tumulak patungong UST.
Si Kristel ay volunteer ng Catholic Relief Services sa Tacloban City.
Pauwi naman ng Pilipinas ang ina ni Kristel na nagtatrabaho sa Hong Kong.
- Latest