Mercado swak sa plunder
MANILA, Philippines – Bunga ng pag-amin ni dating Makati City Vice Mayor Ernesto Mercado sa Senado na siya ay tumanggap ng P80 milyon, isang pribadong indibidwal ang nagsampa laban sa kanya ng graft at plunder kahapon sa tanggapan ng Ombudsman.
Isang Louie “Barok” Biraogo, negosyante, dating aktibisita sa University of the Philippines (UP) na empleyado sa Santa Rosa, Laguna ang nagsampa ng kaso laban sa dating vice mayor.
Ayon sa complainant, wala siyang ibang hawak na ebidensya kontra sa dating bise alkalde ng Makati maliban sa mismong transcript ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa mga isyu kontra kay dating Makati Mayor at ngayo’y Vice President Jejomar Binay.
Umamin umano si Mercado sa mga pagdinig na tumanggap ng P80 milyon.
Nilinaw ni Biraogo na walang ibang nasa likod ng kanyang pagsasampa ng kaso. Ginawa anya niya ito dahil nakikitang tahimik ang taumbayan sa kabila ng mga inaming kamalian ni Mercado.
Umaasa si Biraogo na papansinin ng anti-graft court ang kanyang kaso bilang isang taxpayer.
Nilinaw naman ng complainant na wala siyang kaugnayan sa mga Binay.
- Latest