^

Bansa

‘No adult diaper’ sa AFP forces

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi pagsusuutin ng “adult diaper” ang nasa 17,000 security forces at reservist ng militar na magbibigay seguridad sa pagbisita ni Pope Francis sa bansa sa susunod na linggo.

Sinabi ni AFP Spokesman Col. Restituto Padilla na hindi magbibigay ng ‘adult diaper’ ang liderato ng AFP para sa mga sundalo at reservist na ma­ngangalaga sa seguridad ng Santo Papa, mga VIP at maging ng milyun-mil­yong mga deboto.

“Ito (adult diaper) ay isang personal preference, we will not provide but kung gusto nila nasa kanila na po pero hindi natin sila inoobliga,” ani Padilla.

Sinabi ni Padilla na ang security forces ng AFP ay nagsanay at kaya na ng mga itong magpigil pansamantala (personal necessity) na iginiit na kung saka-sakali ay mayroon namang mga pampublikong comfort room sa mga itinalagang ‘control points’.

Umpisa ngayong araw  (Enero 10) ay nasa red alert status na ang AFP. 

Ang PNP ay nakatakda namang magtaas ng alerto sa Enero 12. Nasa 25,000 police personnel din ang nakatakda nitong ideploy.

ENERO

PADILLA

POPE FRANCIS

RESTITUTO PADILLA

SANTO PAPA

SINABI

SPOKESMAN COL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with