^

Bansa

Takbo ng LRT gagawing 60/kph

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mula sa dating takbo na 40 kilometer per hour (kph) ay pabibilisin sa 60 kph ang biyahe ng Light Trail Transit (LRT).

Ito ang ipinangako kahapon ng Light Rail Transit Authority (LRTA) kasunod ng pagtaas ng pamasahe ng LRT-1 at 2.

Ayon kay LRTA admi­nistrator Honorito Chaneco, sinimulan na nila ang instalasyon ng 1,300 piraso ng bagong riles sa 20-kilometer stretch ng train system at inaasahang matatapos ito sa Nobyembre.

Sa pamamagitan nito ay mas bibilis ang biyahe ng tren mula sa dating 40 kph ay magiging 60 kph na magreresulta sa mas maiksing biyahe at paghihintay sa kanilang mga pasahero.

Ayon kay Chaneco, ang P900 milyon na inaasahang kikitain mula sa pagtaas ng pasahe ay mapupunta sa pagkukumpuni at rehabilitasyon ng mga pasilidad ng LRT tulad ng tren, escalator at mga elevators nito.

Plano rin nilang bumili ng mga karagdagang bagon upang madagdagan ang kanilang may 90 gumaganang mga tren.

Ang pasahe mula sa Roosevelt hanggang Baclaran o vice versa ay nasa P30 na ngayon mula sa dating P15, habang ang pasahe mula sa Recto hanggang Santolan o vice versa ay P24 na.

Huling tinaasan ang pasahe sa LRT-1 noong 2003.

AYON

BACLARAN

CHANECO

HONORITO CHANECO

HULING

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

LIGHT TRAIL TRANSIT

MULA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with