^

Bansa

PNoy, single daw ulit

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naging malamig daw ang Pasko ni Pangulong Benigno Aquino III dahil nag-break na sila ng kanyang huling girlfriend na si TV 5 personality Grace Lee.

Sa interview ni Vice Ganda, sinabi ng Pangulo na ilang buwan na silang nagkahiwalay ng kanyang gf na si Fil-Korean Grace Lee kaya  nananatili siyang bachelor ngayon.

Bukod kay Lee, naging ex-GF din ng Presidente sina broadcasters Korina Sanchez, Bernadette Sembrano at isang dating sexy star na si Barbara Milano.

Kaugnay nito, todo-depensa ang Palasyo sa inaning batikos mula sa netizens sa ini-ereng interview ni TV host/Comedian Vice Ganda kay Pangulong Aquino dahil sa mistulang promosyon lang ito ng pelikula nilang Praybeyt Benjamin at Feng Shui ni Kris Aquino.

Ayon kay Presidential Spokesman Sec. Edwin Lacierda kabaligtaran ito sa monitoring ng Palasyo dahil sa nag-trending daw sa social media ang nasabing interview.

Sinabi din ng Pangulo na kung magkakaroon siya ng panibagong romansa ay nais niyang mas bata sa kanya ang magiging gf upang magkaroon pa siya ng pagkakataon na magkaroon ng pamilya pagkatapos ng kanyang termino.

vuukle comment

BARBARA MILANO

BERNADETTE SEMBRANO

COMEDIAN VICE GANDA

EDWIN LACIERDA

FENG SHUI

FIL-KOREAN GRACE LEE

GRACE LEE

KORINA SANCHEZ

KRIS AQUINO

PALASYO

PANGULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with