Gate 4 ng NBP pasukan ng kontrabando, sex workers - DOJ
MANILA, Philippines – Sa Gate 4 ng New Bilibid Prison ipinapasok ang mga kontrabando at sex workers.
Ito naman ang nadiskubre ni Justice Secretary Leila de Lima matapos na magsagawa ng inspeksiyon bunsod na rin ng kontrobersiya sa magarbong pamumuhay ng mga convicts at ang panggagahasa ng isang preso sa isang 8 gulang na batang babae.
Ayon kay de Lima, paiimbestigahan din niya sa National Bureau of Investigation ang mga posibleng sangkot na jail officers na nagpapabaya sa kanilang tungkulin.
Nakapagtataka umano na nakapasok ang isang paslit ng walang kasama na humantong sa tangkang panghahalay ng presong si Norvin Domingo, 34 sa biktima na natagpuang walang malay at may tali ang leeg sa loob ng comfort room ng chapel ng Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City noong Huwebes ng hapon (Enero 1).
Muling isasailalim ng NBP sa medical examination ang biktima matapos na lumabas sa resulta ng medico legal na sinasabing “no evidence of genital injury”, na ipinapalagay na hindi nagkaroon ng rape dito.
Sinabi ng kalihim na nakakalungkot lamang na tila hindi apektado ang mga opisyal at jail officers sa eskandalong kinasangkutan ng mga mayayamang convicts.
Umapela dito sa kanyang mga tauhan na huwag ng hayaan pang mabugbog ng kontrobersiya ang NBP at sa halip ay maaari namang umalis ang mga ito ng NBP.
Malaya naman ang sinumang umalis ng NBP kung hindi nila matanggihan ang suhol na pera kapalit ng kanilang tungkulin.
- Latest