^

Bansa

Bading ninakawan, pinatay

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 31-anyos na bading matapos hatawin ng matigas na bagay sa ulo ng di-kilalang lalaki sa kanyang bahay kamakalawa ng gabi sa Barangay Bayan Luma Imus City, Cavite. Kinilala ng pulisya ang biktima na si William Candelario ng Block 1 Lot 11, Primehomes sa nabanggit na barangay.

Hindi naman nakilala ang suspek na pinaniniwalaang kilala ng biktima dahil sa walang palatandaan puwersahang may pumasok sa bahay nito. Sa imbestigasyon ni PO3 Alan Reyes, bandang alas-8:30 ng gabi nang matagpuan ang duguang katawan ng biktima sa ibabaw ng kanyang kama sa loob ng kanyang kuwarto.

Basag ang likurang bahagi ng ulo ng biktima na pinaniniwalaang hinataw ng matigas na bagay. Sa pagsisiyasat ng pulisya, walang nakitang force of entry sa bahay ng biktima kaya malaki ang posibilidad na kilala ng biktima ang suspek. Nawawala rin ang personal laptop ng biktma na posibleng tinangay ng suspek.

ALAN REYES

BAHAY

BARANGAY BAYAN LUMA IMUS CITY

BASAG

BIKTIMA

CAVITE

KINILALA

NAWAWALA

PRIMEHOMES

WILLIAM CANDELARIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with