^

Bansa

Prangkisa ng mga truck hanggang Enero 31 -LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hanggang Enero 31, 2015 na lamang ang deadline ng pagkakaloob ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ng franchise para sa mga trucks-for-hire nationwide.

Ito naman ang binigyan diin ni Engr. Ronaldo Corpuz, board member ng LTFRB kung saan  sinabi nito na alam na nila ang bilang ng mga trucks na dapat bigyan ng pahintulot na ma­ging sasakyan ng mga ihahatid na kalakal  sa buong bansa partikular sa Metro Manila.

Huli namang bibigyan ng prangkisa ang mga truck na may kontrata sa pier.

Aniya may 36,000 truck-for-hire vehicles na ang kanilang naisyuhan ng prangkisa hanggang December 15, 2014  mula nang buksan ang linya para dito noong Hunyo  2014.

Sinabi ni Corpuz na sa ngayon, tanging truck -for- hire at school service ang open para sa franchise samantalang hanggang ngayon ay may moratorium pa rin ang pagkakaloob ng franchise sa passenger jeep, AUVS, bus at taxi.

Payo naman ni  Corpuz sa mga  bibili ng  prangkisa, makabubu­ting beripikahin muna  ito sa LTFRB para walang aberya at problema.

Kaugnay nito, inanunsyo din nito na bukas ang pintuan ng LTFRB para tumanggap ng mga reklamo sa mga abusadong passenger vehicles upang mapagpaliwanag ng ahensiya at tuloy maparusahan kung mapapatunayang nagkasala sa franchise rules and regulations.

ANIYA

CORPUZ

HANGGANG ENERO

HULI

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

METRO MANILA

RONALDO CORPUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with