Peace talks ng gobyerno at CPP-NDF itutuloy sa Enero
MANILA, Philippines - Posible umano ang panunumbalik ng peace talks sa pagitan ng gobyerno at Communist Party of the Philippines-National Democratic Front (CPP-NDF) matapos ang papal visit sa bansa.
Sinabi mismo ni CPP founding chairman Jose Ma. Sison sa kanyang video message sa Facebook na posibleng magsimula ang peace talks sa kalahatian ng Enero 2015.
Umaasa si Sison na magkakaroon ng agreement sa tigil-putukan sa pagitan ng gobyerno at communist rebels bago matapos ang termino ni Pangulong Aquino.
Sinabi ni Sison na para umusad ang negosasyong pangkapayapaan ay dapat na palayain ng gobyerno ang nasa 500 peace consultant ng kanilang grupo na nakapiit sa bansa.
Kabilang dito ang mga Commanders ng NPA na nahaharap sa kasong kriminal at nililitis sa korte.
Binigyang diin pa ni Sison na umaasa ang kanilang grupo na pakikinggan ng gobyerno ang kanilang kahilingan.
Kabilang naman sa mga tinututukoy nitong peace consultant ay ang mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon, mga top lider ng CPP-NPA na nakapiit sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.
- Latest