^

Bansa

Naputukan, 73 na!

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Limang araw bago pa ang pagsalubong sa Bagong Taon, puma­lo na sa 73 katao ang na­italang nasugatan o biktima ng fireworks-related incidents simula Disyembre 21, ayon sa ulat ng Department of Health (DOH) kahapon ng umaga.

Nito lang Dis 21 ini­lunsad ng DOH ang annual monitoring sa mga napuputukan para sa Kapskuhan at pagsalubong sa 2015.

Sa Firecrackers Injury Registry ng DOH na may petsang Dis. 26, ang kabuuang 73 kaso ay mas mababa kumpara sa kaparehong panahon ng nakalipas na taon.

Sa 73 kaso, nasa 64 dito ay mga lalaki na may edad 3 hanggang 68 at karamihan ay mga bata.

Ang 23 biktima mula sa 73 kaso ay naireport sa National Capital Region (NCR) partikular sa Maynila na may naitalang 10 kaso.

Sa Pasig ay may 6 kaso, tig- 2 kaso naman sa Las Piñas City at Pasay City. Habang hindi naman nabanggit kung saang lugar sa NCR nagmula ang tatlong iba pang naputukan.

Napag-alaman din na ang mga nasugatan ay mga “active users” o sila mismo ang gumamit at nagsindi ng paputok.

Lumalabas na 59 sa kaso ang nasabugan na hindi na kinaila­ngan pang putulan ng parte ng kamay, 5 ang kinaila­ngang putulan, 9 kaso ang nagtamo ng eye injury.

Nangunguna pa rin ang “Piccolo” habang ang iba ay “Luces”,  “boga”, ”plapla”at “five-star”.

Hanggang Enero 5, 2015 mananatili ang pagsasailalim sa code white alert sa lahat ng DOH central office, regional offices, hospitals at piling mga pribadong health facilities.

BAGONG TAON

DEPARTMENT OF HEALTH

HANGGANG ENERO

INJURY REGISTRY

KASO

LAS PI

NATIONAL CAPITAL REGION

PASAY CITY

SA FIRECRACKERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with