^

Bansa

Bagong fire hydrant ng Manila Water sa QC

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patuloy na nagtatayo ng mga bagong fire hydrants ang Manila Water sa East Zone bilang bahagi ng pangakong matiyak ang kaligtasan sa komunidad kapag may sunog.

Kamakailan lamang ay pinasinayaan ang fire hydrant sa Barangay Culiat, Quezon City bilang bahagi ng pangunahing programang “Tubig Para Sa Baranggay” ng Manila Water.

Inihayag ni Manila Water East Zone Business Operations Group Director Ferdinand dela Cruz na prayoridad ng Manila Water na mapalawak ang pagbibigay ng malinis at maiinom na tubig sa pamamagitan ng pagkabit ng mga bagong linya ng serbisyo ng tubig sa mga residente sa buong nasasakupan nito.

Higit sa 6.3 milyong­ katao na ang nakiki­na­bang sa programang “Tubig Para Sa Barangay” kabilang na ang serbisyo para sa Barangay Culiat.

Ipinaliwanag din ni dela Cruz na ang pagka­kabit ng mga fire hydrant sa isang komunidad ay isang pangunahing bahagi ng bawat programa ng TPSB lalo na sa mga mahihirap na komunidad.

Dumalo sa nasabing pasinaya si Quezon City Rep. Kit Belmonte kasama sina BFP Superintendent Jesus Fernandez, Councilor Roger Juan at Councilor Bobby Castelo.

BARANGAY CULIAT

COUNCILOR BOBBY CASTELO

COUNCILOR ROGER JUAN

CRUZ

EAST ZONE

KIT BELMONTE

MANILA WATER

MANILA WATER EAST ZONE BUSINESS OPERATIONS GROUP DIRECTOR FERDINAND

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with