^

Bansa

P2.606-T nat’l budget pirmado na ni PNoy

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nilagdaan na ni Pa­ngulong Aquino ang panukalang P2.606-trilyong pambansang budget.

Ikinagalak ng Pa­ngulo ang pagkakapasa ng budget sa tamang panahon, sa ika-limang pagkaka­taon.

Tinawag ni Aquino na “tunay na budget ng ba­yan” ang Republic Act No. 10651 dahil nakatutok anya ito sa kapaka­nan ng taumbayan.

“Hindi lamang ito bastang pagbuhos ng pondo sa mga boss nating pinaka nanga­ngailangan, binibigyan din natin sila ng boses sa pagba-budget ng binabayaran nilang buwis,” wika ng Pangulo.

Bukod sa bottom-up budgetting, ipinatupad din anya ang Performance Informed Budgeting kung saan malinaw ang target na dapat mapatupad ng isang tanggapan.

Mas mabilis anya ang proseso ng pagba-budget ngayon.

Itinapyas din anya sa sistema ng budget ang espasyo para sa katiwalian.

“Wala na sa ating budget ang PDAF o Priority Development Assistance Fund, na naging instrumento ng pangungulimbat ng ilang mapagsamantala,” wika niya.

Kasabay nito, nilagdaan din ni PNoy ang 2015 supplemental budget.

AQUINO

BUDGET

BUKOD

IKINAGALAK

ITINAPYAS

KASABAY

PERFORMANCE INFORMED BUDGETING

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

REPUBLIC ACT NO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with