^

Bansa

NCRPO umalerto

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inalerto na ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) simula kahapon ang kanilang pwersa para ngayong Kapaskuhan at Bagong Taon.

Nabatid na inilagay na sa full alert status ang buong Kalakhang Maynila at ayon kay NCRPO Director Carmelo Valmoria, itinalaga ang ilang kapulisan sa mga terminal ng bus, pantalan at paliparan.

Dahil na rin ito sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero  na magtutungo sa kanilang mga lalawigan para doon ipagdiwang ang araw ng Pasko at Bagong Taon.

Nakaalerto rin ang PNP para sa mahigpit na kampanya laban sa mga indiscriminate firing na kadalasang nagaganap sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Sinabi pa ni Valmoria, kapag aniya may mga insidente nang nagpapaputok ay huwag kaagad magkonklusiyon ang publiko na pulis at military ang sangkot dito.

Dahil may ilang sibilyan din ang nagpapaputok ng baril, na kaagad aniyang ipagbigay alam sa mga tanggapan ng pulisya upang kaagad itong maaksiyunan.

BAGONG TAON

DAHIL

DIRECTOR CARMELO VALMORIA

INALERTO

KALAKHANG MAYNILA

KAPASKUHAN

NABATID

NAKAALERTO

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with