^

Bansa

PNP nagbabala vs bawal na paputok, indiscriminate firing

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbabala kahapon ang Philippine National Police (PNP) sa sinumang gagamit ng illegal na paputok, paggawa, pagbebenta nito, pyrotechnics devices at maging ang mga masasangkot sa indiscriminate firing.

Ayon sa PNP, lubhang peligroso ang mga paputok na naglalaman ng mga pulburang higit sa .2 gramo o mahigit sa 1/3 kutsara dahil maari itong makamatay at matinding makapinsala.

Bukod sa mga dati ng malalakas na paputok na kilalang notoryus sa bagsik gaya ng piccolo at pop-up ilang mga bagong pangalan din ng paputok ang nagsisilitawan ngayon. Kabilang sa mga ipinagbabawal na paputok ay ang Goodbye Philippines, pla-pla, super bawang, judas belt, Binladen at iba pa.

Generic name naman ng mga nasa 3rd sex ang lumilitaw na mga bagong matitinding paputok ngayon.

Maaring ipagbigay alam ang sumbong na may kaugnayan sa mga ipinagbabawal na paputok at indiscriminate firing sa PNP hotline 0917 847 5757 o sa twitter account @pnphotline.

 

AYON

BINLADEN

BUKOD

GOODBYE PHILIPPINES

KABILANG

NAGBABALA

PAPUTOK

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with