^

Bansa

Binata nakipag-break sa nobya, bago nag-suicide

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakipaghiwalay muna sa kanyang girlfriend bago nagpatiwakal ang isang 25-anyos na binata sa pamamagitan ng pagbaril  sa sarili, kahapon ng umaga.

Dead-on-the-spot si Christian Hubayan, ng  Challenger St., Brgy. Rizal ng naturang siyudad sanhi ng tinamong tama ng bala ng sumpak sa kanang sentido.

Sa imbestigasyon ni SP02 Alfred Reyes, ng Homicide Section, Makati City Police, na bigla na lamang nakarinig ng putok ng baril ang ama ng biktima mula sa kuwarto nito.

Agad na pinuntahan ng ama ang kuwarto   at tumambad dito ang duguan at wala nang buhay na anak.

Bago naganap ang pagpapatiwakal, nakipaghiwalay umano ang biktima sa girlfriend nito na hindi na binanggit ang pangalan kamakalawa ng gabi. Kung saan nakita pa sa cellphone ng biktima ang mga katagang nagpapaalam na ito sa kanyang mga magulang at nagpapasalamat sa pag-aaruga sa kanya.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ang naturang kaso.

 

vuukle comment

ALFRED REYES

BRGY

CHALLENGER ST.

CHRISTIAN HUBAYAN

HOMICIDE SECTION

MAKATI CITY POLICE

NAKIPAGHIWALAY

PATULOY

RIZAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with