^

Bansa

5 ‘tiktik’ tumanggap ng P3-M reward

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Limang sibilyan ang nakatangap at maghahati-hati sa may kabuuang P3 milyong reward  bunga nang pagbibigay ng impormasyong nagresulta sa pagkakabuwag sa mala­king sindikato na sangkot sa iligal na droga, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kahapon

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac Jr., ang pabuya ay bunga ng programang Ope­ration: Private Eye (OPE), na ang mga impormante ay personal na inabutan ng cash reward na may kabuuang P2,998,358.25 na ginanap sa Flag Raising ceremony sa PDEA National Headquarters Quezon City,

Àng lima ay kinilala sa mga codename na Omar, Reggie, Machete, Kulot at Coleen Sarmiento.

Sa mga impormante si Coleen Sarmiento ang nakatanggap ng malaking reward na nagkakahalaga ng P1.5 milyon.

Ito ay dahil sa impormasyong nagresulta sa pagkakabuwag ng isang laboratoryo ng shabu at pagkakasamsam sa may 16.51 kilograms at 35.25 litro ng shabu, at ang pagkakadakip sa anim na dayuhan sa ginawang pagsalakay sa bisa ng isang search warrant sa Camiling, Tarlac noong Nobyembre 6, 2014.

Si Reggie ang sumunod na nakatanggap ng malaki na aabot sa  P732,414.84 matapos makapagbigay ng impormasyon na nagresulta sa pagkakasamsam ng 10,831.30 gramo ng shabu at ang pagkakadakip sa dalawang perso­nalidad sa droga sa isang anti-drug operation sa Binondo, Manila noong April 8, 2014.

 

CACDAC JR.

COLEEN SARMIENTO

DIRECTOR GENERAL UNDERSECRETARY ARTURO G

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

FLAG RAISING

NATIONAL HEADQUARTERS QUEZON CITY

PRIVATE EYE

SI REGGIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with