^

Bansa

BI alerto vs terrorists sa Papal visit

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Bureau of Immigration na walang makapapasok na foreign terrorist kaugnay sa pagdating sa bansa ni Pope Francis.

Sinabi ni BI Commission Siegfred Mison, bumuo na sila ng task force na mangangasiwa sa seguridad ng Santo Papa na nakatakdang dumalaw sa Pilipinas sa January 15-19, 2015.

Ayon kay Mison, Oktubre pa inumpisahan ng task force ang kanilang preparasyon kabilang na ang planning, service training para sa mga personnel ng task force at survey inspection sa mga lugar na pagdarausan ng aktibidad ng Santo Papa.

Dobleng higpit na rin at monitoring ang ipinatutupad sa mga paliparan para maiwasan ang pagpasok ng mga terorista o sinumang maghahasik ng gulo.

Kasunod nito pinayuhan ng opisyal ang publiko na maging vigilante dahil na rin sa inaasahang dagsa ng foreign visitors.

AYON

BUREAU OF IMMIGRATION

DOBLENG

KASUNOD

MISON

OKTUBRE

PILIPINAS

POPE FRANCIS

SANTO PAPA

SIEGFRED MISON

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with