Textile exporters, manggagawa nanawagan
MANILA, Philippines - Pinagbibitiw ng isang grupo ang officer in charge ng One Stop Shop Interagency Tax Credit and Duty Drawback Center ng Department of Finance (DOF).
Iginiit ni Sanlakas political affairs coordinator at spokesman Rasti Delizo, suportado nila ang panawagan ng mga negosyante sa resignation ni Sheila Castaloni, officer-in-charge ng nabanggit na attached agency ng DOF.
Ang ahensya ang nangangasiwa sa pagpoproseso, pag-iisyu at paglilipat ng tax credit certificates o tax refunds para sa mga exporter.
Sinabi ni Delizo na hindi sila magsasawang ipaglaban ang mga manggagawa at ang exploited sector ng bansa kaya’t patuloy ang kanilang pakikibaka laban sa mga mapagsamantala.
Una nang nanawagan ang mga miyembro at opisyal ng Textile Exporters Labor Alliance o TELA at Damayan ng Manggagawa sa Industriya ng Tela o DAMIT sa pagbibitiw ni Castaloni kasunod ng unilateral decision nito na itigil na ang tax credit sa textile exporters.
Iginiit ng Sanlakas na maraming manggagawa ang maapektuhan sa desisyon ni Castaloni bukod pa sa nanganganib ang competitiveness ng industriya.
Nangako rin ang Sanlakas na makikiisa ang kanilang mga miyembro kung muling magdaraos ng protesta ang grupo ng mga textile exporters at mga manggagawa upang ipahayag ang kanilang pagtutol sa polisiya ni Castaloni.
- Latest