Loren nangako sa restoration ng heritage school building
MANILA, Philippines – Nangako si Sen. Loren Legarda para sa restoration ng heritage school building matapos hilingin ito ng Parents Teachers Association of Bayambang Central School sa pamamagitan ni SINAG president Engr. Rosendo So.
Siniguro ni Legarda na tutulong siya sa muling pagpapatayo ng Gabaldon building dahil bahagi ito ng kanyang advocacy para sa conservation ng mga heritage structures.
“These structures symbolize the first foundation of the Philippine public school system during the American colonial regime, in which each Filipino child, even from the most remote areas of the country, had access to formal education,” paliwanag ni Legarda kay So ng personal nitong dalhin sa tanggapan ng mambabatas ang liham ng PTA.
Giniba ang naturang elementary school para tayuan ng business establishment.
Ang Gabaldon school buildings ay idinisenyo ng American architect na si William Parsons at pinondohan sa pamamagitan ng Act. 1801 na akda ni Philippine Assemblyman Isauro Gabaldon.
Inilarawan ni Engr. So na ang Gabaldon school buildings ay malaking gusali na may mataas na kisame, maluwag na corridors at mga kwarto na may dibisyon ng wooden collapsible partitions na may malalaking bintana na gawa sa capiz shells.
Naghain si Legarda ng Senate resolution 800 na humihiling na imbestigahan ang kalagayan ng pagpapatupad ng Department of Education sa mga heritage school building programs.
- Latest