^

Bansa

‘Suicide’ sa ka-live-in ni Mercado kinuwestiyon

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng pagdududa ang pamilya ni Raquel Ambrosio sa ulat na nagpakamatay siya noong Abril 24, 2002 sa pamamagitan ng pagbaril sa kanyang tiyan sa loob ng kanyang condominium unit sa Peak Towers na pag-aari ni dating Makati City Vice Mayor Ernesto Mercado na live-in partner ng biktima nang panahong iyon.

Isang kamag-anak ni Ambrosio na nagpakilala lang sa pangalang Alicia ang nagsabing matagal na nilang gustong buhayin ang kaso ng pagkamatay ng una subalit wala silang lakas ng loob noon lalo na’t maimpluwensya umano si Mercado.

Aminado si Alicia na takot pa rin naman silang lumantad ngayon lalo na’t alam nilang maimpluwensya pa rin si Mercado, na nasa kustodiya ng Department of Justice-Witness Protection Program.

Iginiit ni Alicia na dapat na tutukan ng mga imbestigador kung totoo nga bang nagpakamatay si Ambrosio dahil kaduda-duda umano ang kuwento rito lalo na’t sa tiyan ang tama ng biktima.

Kinuwestyon din nila kung bakit pinayagan ni Mercado na linisin ng mga katulong ang crime scene bago dumating ang mga pulis at kung bakit nawala ang baril na ginamit sa krimen. Dalawang araw pa matapos ang krimen nang isuko sa pulisya ng isang tauhan ni Mercado ang baril.

Samantala, ayon naman kay Dra. Camille Garcia, isang psychologist, kaduda-duda kung talagang nagpakamatay si Ambrosio.

Aniya, wala pa siyang narinig na nagpakamatay gamit ang baril na sa tiyan ang tama at karamihan sa mga ito ay nagbabaril sa ulo. “Yung iba nga sa bibig para diretsong mamatay. Para sa akin very unusual na magbabaril sa tiyan,” ayon sa doktora.

ABRIL

ALICIA

AMBROSIO

AMINADO

CAMILLE GARCIA

DEPARTMENT OF JUSTICE-WITNESS PROTECTION PROGRAM

MAKATI CITY VICE MAYOR ERNESTO MERCADO

MERCADO

PEAK TOWERS

RAQUEL AMBROSIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with