^

Bansa

Mga abugadong rumitoke sa ebidensiya vs Bong, pinasisibak

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinabubusisi ni Sen. Ramon Revilla Jr. kung sino sa National Bureau of Investigation (NBI), Office of the Ombudsman at Department of Justice (DOJ) ang dapat managot sa nabunyag na pandudoktor ng mga ebidensiya kamakailan ng prosekusyon sa Sandiganbayan.

Ito ay matapos mabuko ni Atty. Remegio Michael Ancheta, abogado ng staff ni Revilla na si Atty Richard Cambe habang isinasagawa ang pagmamarka sa mga ebidensiya noong nakaraang Biyernes.

“Ayoko na sanang magsalita hinggil dito dahil baka isipin nilang inaantala ko lamang ang pagdinig, pero hindi tama na retokehin nila ang ebidensiya para gawin lamang kaming masama sa mata ng publiko. Posib­leng hindi lang ‘yan ang niretoke nila, baka umpisa pa lang ay nandadaya na sila”  paliwanag ni Revilla.

Matatandaan na noong nakaraang Biyernes ay nabuko ni Atty. Ancheta sa gitna nang pagmamarka ng mga ebidensiya na nagsumite ng mga dinoktor na dokumento ang prosekus­yon upang palabasin na may kasalanan si Revilla.

Apat na magkakaibang pahina ng photo copy ng dinoktor na disbursement voucher ang isinumite sa korte ngunit nang ikumpara ito sa orihinal ay nabulgar na may mga tinanggal na detalye na magpapawalang sala kay Revilla.

Kaugnay nito ay inatasan ni Revilla ang kaniyang mga abogado na sampahan ng kasong disbarment ang mga abogado ng prosekusyon upang hindi na umano pamarisan pa ng iba.

Bukod sa disbarment ay nakatakda rin silang sampahan ng mga kasong kriminal at administratibo upang tuluyan nang masibak sa Office of the Ombudsman at sa pagiging abogado.

ATTY RICHARD CAMBE

BIYERNES

DEPARTMENT OF JUSTICE

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

RAMON REVILLA JR.

REMEGIO MICHAEL ANCHETA

REVILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with