^

Bansa

P2.6 T nat’l budget hihimayin ngayon

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isasalang sa bicameral conference committee ang 2015 national budget bukas (Martes) upang plantsahin ang magkaibang bersyon ng Kamara at Senado.

Tiniyak ni Senate committee on finance chairman Sen. Chiz Escudero na ipaglalaban ng Senado ang sarili nitong bersyon sa pambansang pondo na aniya’y hindi taglay ang “pork barrel” taliwas sa akusasyon ni Sen. Miriam Defensor-Santiago.

Nobyembre 26 naipasa ng Senado sa pangatlo at pinal na pagbasa ang P2.606 trillion na pambansang pondo sa botong 13-0.

Ayon kay Escudero, upang matiyak na hindi maituring na pork barrel ang lump sum funds sa mga ahensya ng pamahalaan, kabilang sa inilagay nilang probisyon sa 2015 General Appropriations Act (GAA) ay ang pagbabawal sa mga government agencies na gamitin ang lump sum funds kung walang isinumiteng report o itemized listing sa Kongreso at sa Commission on Audit.

Ang mga kalihim umano ng mga sangay ng pamahalaan ang papatawan ng parusa sakaling lumabag sa probisyon.

“We provided a penalty of six months suspension or imprisonment of one year or a fine equivalent to six-month salary if they fail to submit the report,” ani Escudero.

At upang matiyak na hindi na maulit ang sistema tulad ng kontrobersiyal na Disbursement Acceleration Program (DAP) at Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala sa pork barrel, ang mismong ruling aniya ng Korte Suprema ang inilagay nila bilang probisyon ng 2015 national budget.

AYON

CHIZ ESCUDERO

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

GENERAL APPROPRIATIONS ACT

ISASALANG

KAMARA

KORTE SUPREMA

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

SENADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with