^

Bansa

Evidence vs Bong ‘niretoke’

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nabisto umano ang ilang dokumentong ginawang ebidensya laban kay Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. na diumano’y dinoktor upang burahin ang mga detalyeng magpapawalang sala sa Senador na nahaharap sa kasong plunder.

Dahil dito, inihayag ng kampo ni Revilla na maghaharap ng manipestasyon ngayon sa Sandiganbayan ang abogado ng Senador makaraang mabisto ang lantarang pandaraya.

Noong Biyernes ay nagkaroon ng preliminary  conference na dinaluhan ng mga abogado ni Revilla at abogado ng kaniyang staff na si Atty. Richard Cambe upang markahan ang mga ebidensiya ng prosekusyon at depensa.

Napag-alaman ni Atty. Remegio Michael Ancheta na may apat na pahinang dokumento ang isinumite ng prosekusyon na pa­wang may palatandaang dinoktor upang pagtakpan ang katotohanan.

“Maliwanag na pandaraya ang ginawang ito ng prosekusyon dahil sa sinadya nilang baguhin ang dokumento, at hindi ito aksidente dahil sa apat na dokumento ang nadiskubre ko at posibleng madagdagan pa,” pahayag ani Ancheta.

Ang mga nasabing mga dokumento ay mga photo copy ng disbursement voucher na siyang maglalahad ng katotoha­nan at makakapagpagaan sa korte na magdesisyon upang payagang makapagpiyansa sa lalong madaling panahon si Revilla.

ANCHETA

DAHIL

MALIWANAG

NOONG BIYERNES

REMEGIO MICHAEL ANCHETA

REVILLA

REVILLA JR.

RICHARD CAMBE

SENADOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with