^

Bansa

Salceda sisiyasatin sa Mayon evacuees

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iniimbestigahan ng mga Bikolanong kongresista si Albay Governor Joey Salceda dahilan sa umano’y pagmamanipula sa mga Mayon evacuees.

Sa hearing ng House Committee on Bicol Recovery sa pamumuno ni Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe, sinabi nito na ang pag-evacuate sa mahigit sa 12,000 pamilya ay walang basehan.

Para naman kay Rep. Al Francis Bichara (Albay, 2nd district) at Rep. Edcel Lagman Jr. (Albay, 1st district) ang umano’y kalamidad tulad ng sinasabing pagsabog ng bulkang Mayon ay “exaggerated” lang ni Salceda.

Para naman kay Rep. Rex Lagman ng 3rd district ng Albay na ang evacuation ay premature kaya maituturing din umanong paglabag sa protocol ang ginawa ng gobernador bukod pa sa milyon-milyong piso ang nawawala sa paggastos dito.

Pinuna rin ng mga kongresista mula sa Bicol na nagsagawa ng evacuation si Salceda gayung wala naman advice mula sa Phivolcs at pagpapalawak ng 6 kilometer danger zone sa 8 kilometer danger zone.

Anila, ang Phivolcs ang magdedesisyon kung dapat magkaroon ng evacuation sa mga residente at sa extension ng danger zone at hindi si Salceda.

Samantala, inatasan din ni Batocabe si Cedric Daep ng provincial disaster coordinating council na magbigay sa komite ng eksaktong figures kung magkano ang ginastos ng provincial government sa ginastos nito sa mga evacuation program.

AKO BICOL REP

AL FRANCIS BICHARA

ALBAY

ALBAY GOVERNOR JOEY SALCEDA

BICOL RECOVERY

CEDRIC DAEP

EDCEL LAGMAN JR.

HOUSE COMMITTEE

MAYON

SALCEDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with