^

Bansa

Jinggoy pinayagang magpa-therapy

Angie dela Cruz/Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinayagan na ng Sandiganbayan ang aku­sado ng pork barrel scam at detenidong si Sen. Jinggoy Estrada na sumailalim ito sa physical therapy.

Sa resolusyon ng Sandiganbayan 5th division na nilagdaan nina Justices Rolando Horado, Alexander Gesmundo at Maria Teresa Dolores para rito, pinapayagan si Estrada na lumabas ng PNP Custodial Center ng dalawang beses sa isang linggo para sa dalawang oras na therapy sa Cardinal Santos Memorial Hospital sa San Juan.

Inatasan din ng Sandiganbayan ang PNP na tiyakin ang seguridad ng nasabing senador.

Ang kautusan ay epek­tibo simula kahapon Nob. 25, 2014

Nakasaad din sa order ng Sandiganbayan na si Estrada ang aako sa lahat ng gastusin sa kanyang pagpapa-therapy.

ALEXANDER GESMUNDO

CARDINAL SANTOS MEMORIAL HOSPITAL

CUSTODIAL CENTER

INATASAN

JINGGOY ESTRADA

JUSTICES ROLANDO HORADO

MARIA TERESA DOLORES

SAN JUAN

SANDIGANBAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with