^

Bansa

FOI bill lusot sa komite

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Aprubado na sa House Committee on Public Information sa Kamara ang consolida­ted version ng kontro­bersyal na Freedom  of Information (FOI) bill.

Sa botong 10-yes at 3-no, aprubado na ng komite ang Technical Working Group (TWG) report sa consolida­ted  na FOI bill.

Kabilang naman sa hindi pumabor sa nasabing report sina Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, Act partylist Rep. Antonio Tinio at Camiguin Rep. Xavier Romouldo.

Ayon kay committee chairman Jorge Almonte, siyam na beses ng nagpulong ang TWG  bago nabuo ang consolidated version  ng 24 FOI bills.

Dalawang beses naman nag manifest si Diwa Rep. Emeline Aglipay-Villar na pagbotohan na ang consolidated version bago natuloy ang botohan.

Tinangka naman itong pigilan ng mga miyembro ng Makaba­yan bloc at iginiit na am­yendahan muna ang ilang probisyon ng FOI na nagpapahina umano sa panukala.

Samantalang hindi naman pabor dito si Romouldo dahil kailangan pa umano ng konsultasyon dito.

ANTONIO TINIO

BAYAN MUNA REP

CAMIGUIN REP

DIWA REP

EMELINE AGLIPAY-VILLAR

HOUSE COMMITTEE

JORGE ALMONTE

NERI COLMENARES

PUBLIC INFORMATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with