^

Bansa

’Di raw trabaho ang gumawa ng desisyon Malacañang umiwas sa Maguindanao massacre

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nilinaw kahapon ng Malacañang na hindi sakop ng Ehekutibo ang pag-prosecute sa mga itinuturong utak ng ka­rumal-dumal na Maguindanao massacre.

Ayon kay Deputy Pre­sidential Spokesperson Abigail Valte, hindi ang Executive branch ang dumidinig sa kaso at lalong hindi nila trabaho ang gumawa ng desisyon.

Nilinaw rin nito na hindi lamang ang executive branch ang may papel sa pagbibigay ng hustisya sa bansa pero tiniyak nito may ginagawa ang gob­yerno upang umusad ang pagdinig na umabot na sa limang taon simula ng gawin ang krimen.

Tumanggi rin si Valte na magbigay ng komento sa balak ni Atty. Harry Roque, abogado ng pamilya ng ilan sa mga  biktima, na magsa­sampa sila ng rekla­mo sa International Trial Court ng  “crimes against humanity” dahil wala umanong ginagawa ang administrasyon para ma­panagot ang mga salarin sa Maguindanao massacre.

Ayon kay Valte, hindi na sila magkokomento kay Roque dahil may mas mga mahahalagang bagay pa na dapat gawin.

Nobyembre 23, 2009 naganap ang tinaguriang Ampatuan Massacre kung saan 58, kabilang ang 32 mamamahayag ang pinatay at tinangkang ibaon sa hukay.

Ang katunggaling pamilya Ampatuan ang sinasabing nasa likod ng pananambang sa mga biktimang maghahatid sana ng certificate of candidacy (COC) ni Esmael “Toto” Mangudadatu sa pagka-gobernador ng Maguindanao.

vuukle comment

AMPATUAN MASSACRE

AYON

DEPUTY PRE

HARRY ROQUE

INTERNATIONAL TRIAL COURT

MAGUINDANAO

NILINAW

SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

VALTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with