Jinggoy humirit din ng physical therapy
MANILA, Philippines – Makaraang pagbigyan ng Sandiganbayan si Sen. Bong Revilla na makapagpatingin sa St. Lukes Hospital dahil sa iniindang sakit sa ulo, humirit din si Sen. Jinggoy Estrada sa graft court na payagan siyang sumailalim sa physical therapy sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan.
Binigyang diin ng kampo ni Estrada, kailangan nitong magpa-physical therapy sa isang well-equipped hospital kahit 2 hanggang 3 beses sa isang linggo .
Sinasabing nakakaramdam ang senador ng pananakit sa kanyang kaliwang balikat, bahagyang paglaki ng cervical spine at paninikip ng balikat
Reklamo rin ni Estrada ang umano’y mabagal na pagkilos ng prosekusyon sa pagpiprisinta ng testigo sa kanyang bail hearing.
Si Estrada at Revilla ay kapwa akusado sa graft at plunder kaugnay ng pork barrel scam at magkasama sa kulungan sa PNP Custodial center sa Kampo Krame.
- Latest