^

Bansa

Droga ginagamit sa van rape

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naalarma ang PNP-Anti Illegal Drugs Special Operations Task Force (ADSOTF) sa malaking posibilidad na ginagamitan ng droga ang mga estudyante na biktima ng van gang rape sa Makati City.

Ayon kay Chief Inspector Roque Merdequia, spokesman ng PNP-AIDSOTF, nakikipag-ugnayan na ang kanilang tanggapan sa iba pang mga lokal na anti-drug units upang matukoy kung anong uri ng illegal na droga ang posibleng ginamit sa ilang mga nabiktima ng van rape sa lungsod.

Kabilang sa naging biktima ay ang isang 14 anyos na estudyante ng Makati City High School na kinidnap sa kalayaan Avenue noong nakalipas na Nob­yembre 6 saka na-gang rape ng hindi pa nakilalang mga suspek sa loob ng van sa loob ng 5 oras.

Noong Setyembre 30 ay isa namang 21 anyos na kolehiyala ang kinidnap sa kahabaan ng Edsa-Magallanes at na-gang rape rin sa loob ng van.

“Tinitingnan natin kung yung mga kinikidnap na mga kababaihan yung sinasabing nirarape tini­tingnan natin kung may component na rape drug kasi hinihimatay diumano kaya paiigtingin ng PNP-AIDSOTF lalo at papasok yung yuletide season siyempre parties yan. Dadami ang ecstasy dadami yung rape drug,” ani Merdequia.

Sinabi pa nito na may mga pagkakataon na ang droga ay inihahalo sa mga inumin o pagkain kaya dapat mag-ingat ang mga kinauukulan lalo na ang mga kabataang babae.

Nabatid pa sa opisyal na may isang uri ng droga na kung tawagin ay Rophinol na kapag nalanghap o nainom ng isang biktima ay nakakatulog ito ng hanggang dalawang araw at pagkagising ay hindi nito maalala pa kung ano ang nangyari sa panahong wala itong malay.

 

AYON

CHIEF INSPECTOR ROQUE MERDEQUIA

DADAMI

DRUGS SPECIAL OPERATIONS TASK FORCE

EDSA-MAGALLANES

MAKATI CITY

MAKATI CITY HIGH SCHOOL

NOONG SETYEMBRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with