Binay nag-sorry sa KBP
MANILA, Philippines - Personal na humingi ng paumanhin kahapon sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) si Vice President Jejomar Binay.
Sa isang event ng KBP sa Tagaytay ay nag-sorry si Binay sa desisyong pag-atras sa itinakdang debate nila ni Sen. Antonio Trillanes IV.
Sinabi umano ni Trillanes sa media na isang mahusay na abogado si Binay at mahusay magsalita habang ang una ay kumuha na ng tutor bilang paghahanda sa debate. Dahil dito, nagdesisyon umano siyang umatras na sa debate dahil ayaw niyang tila pinalalabas ni Trillanes na siya ay underdog sa laban.
Una nang nadismaya ang KBP sa nangyaring pag-atras ni Binay pero nirerespeto nito ang desisyon ng bise presidente.
- Latest