Task Force kay Pope Francis binuo
MANILA, Philippines - Bumuo na ng task force ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na tututok para sa nakatakdang pagbisita sa bansa ni Pope Francis sa Enero 2015.?
Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, nagsimula nang magsanay ang mga traffic enforcer ng MMDA at mga pulis na magiging bahagi ng “Task Force Phantom”.
Ang task force ang mamamahala sa peace and order, traffic management at seguridad ng mga VIP para sa pagbisita ng Santo Papa sa Enero 2015.
Nasa 30 traffic enforcer ng ahensya at ng PNP-Highway Patrol Group ang nagsasanay na sa kanilang Traffic Academy.
- Latest