^

Bansa

Binay atras sa debate

Ellen Fernando at Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umatras na kahapon si Vice President Jejomar Binay sa kanyang nakatakdang public debate kay Sen. Antonio Trillanes IV.

Mismong si Binay ang nag-anunsiyo nito sa pagdiriwang ng kanyang ika-72 kaarawan sa Philippine Navy headquarters sa Fort Bonifacio, sa Taguig City.

Ayaw umano niyang magmukha siyang “oppressive at opportunistic” sa kanilang debate ni Trillanes.

“The reason why I am withdrawing is I have heard comments that I am already a good and experienced debater that comes with my being a lawyer. He has also been saying things as if they were already confirmed. I don’t want to appear oppressive and opportunistic, so I’m backing out,” ani Binay.

Ayon kay Binay, pinal na ang kanyang desisyon sa pag-atras bagama’t siya ang naghamon ng one-on-one debate.

“Oo ako ang nagha­mon, o tinanggap naman niya... Nagsalita ako, tinanggap niya, pero ngayon e marami siyang salita. Itong mga developments ang naging dahilan kung bakit tama na,” dagdag nito.

Isasagawa sana sa Nobyembre 27 ang debate sa PICC na panga­ngasiwaan ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Tinawag naman na “answered prayer” ni Sen. Nancy Binay ang ginawang pag-atras ng kanyang ama sa debate kay Trillanes.

Ayon kay Sen. Binay, bagaman at nakahinga ng maluwag ang kanilang pamilya, inaasahan pa rin nilang magpapatuloy ang mga naninira sa kanila sa kanilang gawain.

“We respect the Vice President’s decision to beg off from the scheduled debate. From here, we shall move forward and the Vice President will continue to serve the Filipino people in the res­ponsibilities entrusted to him, unencumbered by partisan attacks,” ani Binay.

Nauna rito, inihayag ni Sen. Binay na hindi dapat bumaba sa level ni Trillanes ang kanyang ama.

Una nang tinutulan ng ilang kaalyado nito ang planong pakikipagdebate sa senador.

Kahapon ay masa­yang ipinagdiwang ni VP Binay ang kanyang kaa­rawan kasama ang mga anak na sina Sen. Binay at Makati Mayor Junjun Binay na nanguna sa routine walk ng Philippine Navy at nakisalo sa inihandang boodle fight kasama ang mga Navy officers.

Namudmod din ang mag-aamang Binay ng mga school bags sa mga mag-aaral ng Philippine Navy Wives Association Child Learning Center sa Fort Bonifacio.

ANTONIO TRILLANES

AYON

BINAY

FORT BONIFACIO

MAKATI MAYOR JUNJUN BINAY

PHILIPPINE NAVY

TRILLANES

VICE PRESIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with