Puhunan para sa mga single mom ni VM Joy B, umarangkada ulit
MANILA, Philippines - Sa ikalawang pagkakataon, muli na namang umarangkada ang paglalaan ng puhunan ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte para sa mga single mom na tinawag na proyektong “Tindahan ni Ate Joy”.
Bago magpasko ay ipagkakaloob sa may halos 200 mga single mom ang puhunang P10,000 worth of grocery at iba pang mga items para magamit ng mga itong panimula para kumita at makatulong ito sa kanilang arawang pamumuhay.
Sinabi ni Belmonte na ang proyektong ito ay napasimulan noong taong 2013 at muling binuhay ngayon upang maalalayan ang pinansiyal na pangangailangan ng mga single mom at tuloy kumita ang mga ito para may magamit ng panggastos sa pamilya.
Ngayong buwan ay nagsasagawa na ng pag- iikot ang mga tauhan ni Belmonte mula first district hanggang 6thdistrict para makapili ng benepisyaryo ng naturang proyekto.
Noong nakaraang taon, 200 single mom din ang nabiyayaan ng naturang proyekto na hanggang sa ngayon ay napapakinabangan na ng kanilang pamilya at lumago na ang kanilang tindahan.
Ang proyektong ito ni Belmonte para sa mga single mom ay bukod pa sa libreng medical at eye check up sa mga ito,pap smear,legal service at iba pa na naipagkakaloob sa mga ito.
Ani Belmonte, ang proyektong ito ay patuloy na ilalaan sa mga single mom upang makatulong na maigapang ang pamilya sa kasalukuyang estado ng pamumuhay sa bansa.
- Latest






















