^

Bansa

Hi-tech solution sa paghahanda vs kalamidad

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang hi-tech solution ang inaalok ng Smartmatic bilang paghahanda sa disaster preparedness sa mga lokalidad sa buong bansa sa pamamagitan ng “Unified Security Platform (USP)”.

Kilala ang kumpanyang Smartmatic na siyang nag-supply ng precinct count optical scan (PCOS) machines sa matagumpay na pagpapatupad ng automated election system (AES) sa bansa noong 2010 presidential election.

“Ang Smartmatic Unified Security Platform ay isang proactive solution na tiyak makatutulong sa atin na maiwasan ang napakalaking pinsala at pagbubuwis ng buhay ng tao,” sabi ni Cesar Flores, president, ng Smartmatic for Asia-Pacific.

Ayon kay Flores, ang pagdating ng may 20 bagyo taun-taon sa bansa kaya kinakailangan ang puspusang pagpaplano at palagiang paghahanda sa pamamagitan ng monitoring mula sa national at local level.

Aniya, ang Smartmatic USP ay isang “scalable, flexible technological platform that allows the interconnection of various security modules under the same operating environment. It can centralize the operations of systems such as emergency call response and mobile unit dispatch, remote video surveillance and telemetry making operating procedures more agile and responsive.”

Nakapaloob sa Smartmatic USP ang communication, control and command center, emergency handling and dispatching, resource management, urban monitoring, alarms and early environment warnings. Kasalukuyang ginagamit ang Smartmatic technological solution systems sa Europe, Asia, Africa, Latin America at United States.

 

ANG SMARTMATIC UNIFIED SECURITY PLATFORM

ANIYA

ASIA-PACIFIC

AYON

CESAR FLORES

LATIN AMERICA

SMARTMATIC

UNIFIED SECURITY PLATFORM

UNITED STATES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with