^

Bansa

May sapat na pondo para labanan ang Ebola – PNoy

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mismong si Pangulong Aquino ang tumiyak na may sapat na pondo ang gobyerno para sa kinakailangang pagha­ha­n­­­da upang laba­nan ang banta ng nakamamatay na Ebola virus na posibleng makapasok sa bansa.

Ayon sa Pangulo, sapat naman sa ngayon ang pondo at kung kukulangin ito ay maari namang kumuha sa tinatawag na contingency fund o kahit sa Presidential Social Fund.

Hinikayat pa ng Pa­ngulo ang mga mamamayan na umasa at magdasal na hindi makapasok sa bansa ang sinasabing Ebola virus.

“But let us all hope and pray that it will not be ne­cessary,” anang Pangulo.

Tiniyak din ng Pangulo na may sapat na kakayahan ang mga local health authorities kung papaano lalabanan ang virus lalo pa’t nagkaroon rin ng pagha­handa sa nagdaaang MERS Corona virus.

Kabilang na umano rito ang paggamit ng mga personal protective equipment at mga isinagawang seminars sa mga ospital para sa kanilang mga health personnel.

Sinusunod ng gobyerno ang kahalintulad na paghahanda ng mga organisasyon na lumalaban sa Ebola virus katulad ng World Health Organization at Centers for Disease Control and Prevention ng Amerika. (Malou Escudero)

 

DISEASE CONTROL AND PREVENTION

EBOLA

MALOU ESCUDERO

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PRESIDENTIAL SOCIAL FUND

SHY

WORLD HEALTH ORGANIZATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with