Hearing sa ICC, Malampaya funds itinakda sa Nob. 13
MANILA, Philippines - Itinakda na sa Nobyembre 13 ng Senate Blue Ribbon Committee ang imbestigasyon sa sinasabing overpriced na Iloilo Convention Center o ICC kung saan nakakaladkad ang pangalan ni Senate President Franklin Drilon.
Ipapatawag sa nasabing pagdinig sina Department of Public Works and Highway Secretary Rogelio Singson, Tourism Secretary Ramon Jimenez at ang nag-file ng plunder case sa Office of the Ombudsman na si dating Iloilo provincial administrator Manuel Mejorada.
Nagpasya si Sen. Teofisto Guingona na i-eskdyul ang pagdinig sa naturang kontrobersya makaraang isumite na nina Singson, Jimenez at Mejorada ang mga dokumento na may kaugnayan sa ICC.
Ibabatay ng komite sa mga dokumento ang mga taong ipapatawag na resource persons.
Una rito, sinabi ni Drilon na mag i-inhibit siya sa hearing bilang isa sa mga kinasuhan ng plunder case pero nakahanda naman siyang humarap sa pagdinig oras na may mag-request na direkta siyang sumagot sa naturang isyu.
Samantala, sa December 1 naman itinakda ang imbestigasyon sa Malampaya fund scam.
- Latest