^

Bansa

‘Racist joke’ ni Cayetano pinalagan ni Ang See

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umalma kahapon si Teresita Ang See, chairperson ng Movement for Restoration of Peace and Order sa hindi magandang biro na binitawan ni Sen. Alan Peter Cayetano sa isang negosyante hinggil sa isyu ng kidnapping.

Ayon kay See, maituturing na isang ‘racist joke’ ang sinabi ni Cayetano na kaya naman umanong magbayad ng ransom ng negosyanteng si Antonio Tiu sakaling makidnap ito.

“Isipin mo naman na pahalagahan ninyo yung problema natin sa kidnapping and don’t make it a butt of the joke. Its not a laughing matter e kaya nalilihis tuloy yung usapan na napunta pa doon na parang ang nangyari tuloy maraming nga nagtext sa akin na they take it as a racist joke,” ayon pa kay See.

Kasabay nito, nanawagan si See sa Senado na huwag maliitin ang isyu ng kidnapping sa bansa.

Ginawa ni See ang apela kasunod ng emosyonal na presscon ni Tiu kamakalawa kung saan isinalaysay nito ang hindi magandang biro ni Cayetano na makakaya nitong magbayad ng ransom dahil super yaman ito.

Sinabi ni See na sa halip na magbitiw ng ‘racist joke’ si Cayetano ay dapat tumulong na lang ito kung paano mapagbubuti ang anti-criminality campaign sa pama­magitan ng pagpapasa ng mga panukalang batas.

Nabatid pa na inilipat na ni Tiu ang kaniyang pamilya sa ibang bansa para sa kaligtasan ng mga ito.

Umapela rin si See sa media na kung maari ay huwag maglabas ng net worth ng sinumang indibidwal dahil baka mapuntirya ang mga ito ng masasamang elemento.

 

ALAN PETER CAYETANO

ANTONIO TIU

AYON

CAYETANO

GINAWA

ISIPIN

RESTORATION OF PEACE AND ORDER

SEE

TERESITA ANG SEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with