^

Bansa

Death threat kay Tiu itinanggi ni Trillanes

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mariing itinanggi kahapon ni Senator Antonio Trillanes IV na nagmumula sa mga senador ang death treaths na diumano’y natatanggap ngayon ng Chinese businessman na si Antonio Tiu, ang sinasabing dummy ni Vice Pres. Jejomar Binay.

Ayon kay Trillanes, kung may security threat si Tiu, posibleng nagmumula mismo ito sa kanyang mga kasabwat na makikinabang umano kung mawawala siya.

“Kung mayroong security treat hindi nagmumula sa amin yan at in fact kung ako sa kanya tingnan niya yong mga kasabwat niya ngayon kasi ‘yon yong may maggi-gain kung mawawala siya,” sabi ni Trillanes sa isang press conference.

Pinayuhan pa ni Trillanes si Tiu na magsumbong sa pulis kung talagang naniniwala ito na may banta sa kanyang seguridad. 

Hindi rin aniya gugustuhin ng komite na may masamang mangyari kay Tiu dahil tiyak na kung sino-sino na lamang ang ituturo na may kagagawan nito.

Naniniwala rin si Tiu na kung totoong bilyonaryo si Tiu ay may kakayahan itong kumuha ng magbabantay sa kanya.

Samantala, inihayag rin ni Trillanes na hindi siya nadala sa drama ni Tiu at hahabulin nila ang lahat ng mga kasangkot sa cover-up kaugnay sa sinasabing tagong yaman ni VP Binay.

ANTONIO TIU

AYON

BINAY

JEJOMAR BINAY

KUNG

MARIING

NANINIWALA

SENATOR ANTONIO TRILLANES

TIU

TRILLANES

VICE PRES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with