^

Bansa

Sandigan pinayagan si GMA na dumalaw sa burol ng apo

Gemma Garcia/Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinayagan kagabi ng Sandiganbayan si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria-Arroyo na makadalaw sa burol ng kanyang apo.

Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, tagapagsalita ng pamilya Arroyo, pinayagan kagabi ng 1st division ng Sandiganbayan si Rep. Arroyo na makadalaw sa burol ng kanyang apo sa Forbes Park, Makati City mula alas-8:00 hanggang alas-10:00 ng gabi.

Magugunita na nag­hain ng mosyon sa korte ang kampo ni Mrs. Arroyo para sa 9-araw na ‘furlough’ upang ma­kadalaw sa burol hanggang sa libing ng kanyang apo na si Jugo Alonzo, 13-month old na anak ni Luli Arroyo at Luigi Bernas.

Nasawi ang anak ni Luli nitong Linggo sa Philippine Heart Center dahil sa congenital heart disease.

Sinabi naman ni Atty. Laurence Hector, hindi naman flight risk ang da­ting lider at wala itong balak na tumakas bagkus ay nais lamang damayan ang kanyang anak na si Luli na namatayan ng anak.

Pabor naman si House Speaker Feliciano Belmonte Jr., na pagkalooban ng furlough si Mrs. Arroyo.

 

vuukle comment

FERDINAND TOPACIO

FORBES PARK

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE JR.

JUGO ALONZO

LAURENCE HECTOR

LUIGI BERNAS

LULI

LULI ARROYO

MAKATI CITY

MRS. ARROYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with