25 pang akusado sa Maguindanao massacre, pinayagang magpiyansa
MANILA, Philippines - May 25 akusado pa sa Maguindanao massacre ang pinayagan kahapon ng QC court na makapagpiyansa para pansamantalang makalaya.
Dagdag ito sa 16 pa na unang pinayagan ng korte na makapaglagak ng piyansa kaugnay ng naturang kaso. Tig P200,00 kada isa ang iginawad na piyansa ni QC RTC branch 221 Judge Jocelyn Solis Reyes.
Ang mga napayagan na makapagpiyansa ay mula sa mga pulis na tinaguriang “SPO1 Solano” at “Labayan” groups.
Ang mga miyembro ng Solano group ay kinabibilangan nina SPO1 Ali Solano, SPO2 Samad Maguindra, PO3 Gibrael Alano, PO3 Felix Daquilos, PO2 Kendatu Rakim, PO2 Datu Jerry Utto, PO1 Marsman Nilong, PO1 Abdulmanan Saavedra, PO1 Jimmy Kadtong, PO1 Abdulbayan Mundas, PO1 Badjun Panegas, PO1 Abdurahman Batarasa at PO1 Marjul Julkadi.
Mula sa Labayan group sina SPO2 George Labayan, SPO1 Alimola Guianaton, SPO1 Elizer Rendaje, PO3 Ricky Balanueco, PO2 Rexson Guiama, PO1 Bensidick Alfonso, PO1 Pendatun Dima, PO1 Ebara Bebot, PO1 Amir Solaiman, PO1 Tamano Sahibal Hadi, PO1 Michael Macarongon at PO1 Mahamad Balading.
Binigyang diin ni Solis-Reyes na wala sa record na nagpapakita na ang naturang mga police officers ay nakiisa sa plano para dukutin at patayin ang mga biktima ng masaker. Hindi rin anya kinakitaan ng korte ng matibay at matinding ebedensiya para idiin ang mga ito sa naturang kaso.
- Latest