^

Bansa

Suselbeck naghain ng voluntary deportation

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naghain na kahapon ng motion for voluntary deportation sa Bureau of Immigration (BI) si Marc Suselbeck, ang German fiance ng pinaslang na Pinoy transgender na si Jeffrey “Jennifer” Laude.

Ito ang kinumpirma ni Atty. Harry Roque, abugado ng pamilya Laude.

Nais aniya ni Sueselbeck na payagan na siya ng BI na makaalis sa Nobyembre 1, 2014 sa pamamagitan ng boluntaryong deportasyon pabalik sa Germany dahil ito ang mabilis na proseso ng deportation, kumpara sa deportation proceedings na aabot pa ng isang buwan.

Kasabay nito, nilinaw ni Atty. Roque na ang paghahain ng mosyon ay hindi naman nangangahulugan ng pag-amin ni Suselbeck sa reklamong gross arrogance at disrespect acts.

Dahilan ni Suselbeck sa mosyon ang natanggap niyang impormasyon mula sa kanyang employer sa Germany na nag-oobliga sa kanya na pumasok na sa trabaho sa Nob. 3, 2014 at kung siya ay mabibigong gampanan ay masisibak siya sa trabaho, alinsunod aniya, sa sinasaad ng kaniyang employment contract.

Una nang sinabi ni Justice Sec. Leila de Lima na para mapadali ang deportation ni Suselbeck ay maari itong maghain ng voluntary deportation.

Sa summary deportation, kung madedetermina na guilty si Suselbeck bilang undesirable alien, maisasama ang kaniyang pangalan sa BI blacklist at hindi na maari pang makatapak muli ng bansa.

Ito’y kasunod ng pag­harang sa Aleman na ma­kaalis ng bansa noong Linggo dahil sa kinakaharap na reklamong ‘undesirable alien’ kaugnay sa insidente ng pag-akyat sa gate ng walang permiso at panunulak sa sundalo sa Camp Aguinaldo upang makita ang suspek sa pagpatay sa kaniyang fiancée (Jennifer) na si US Marine Pfc. Joseph Scott Pemberton.

BUREAU OF IMMIGRATION

CAMP AGUINALDO

HARRY ROQUE

JENNIFER

JOSEPH SCOTT PEMBERTON

JUSTICE SEC

MARC SUSELBECK

SUSELBECK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with