Cayetano: Binay magiging mas malala kay Arroyo
MANILA, Philippines - Hindi ikinatutuwa ni Senador Alan Cayetano ang pagmamatigas ni Bise-Presidente Jejomar Binay.
Binatikos ni Cayetano si Binay na aniya'y umaasta na mayroong imunity sa mga kaso at imbestigasyon ukol sa pangungurakot.
"At the evidence right now, he'll be worse than GMA. Ngayon pa lang, hindi pa siya presidente... ni ayaw magpaimbestiga," wika ng senador sa isang panayam sa telebisyon.
Bukod dito, ikinakatakot din ni Cayetano ang posibilidad na ipakulong ni Binay ang lahat ng nanggigipit sa kanya ngayon kung sakaling manalong Pangulo sa 2016.
Sinabi pa ni Cayetano na maaaring irekomenda ng Senate Blue Ribbon Sub-committee sa Department of Justice na kasuhan si Binay na tumatangging sagutin at harapin ang mga akusasyon sa kanya.
"He can be sued, tried and convicted even without an impeachment," sabi ni Cayetano.
Naniwala si Binay na paninira lamang ito sa kanya para sa pagtakbo bilang Presidente sa 2016.
"Those investigating me are simply there because as they admitted they do not want me to even launch a presidential campaign, obviously fearing that should the people support me they would be made accountable for their misdeeds and abuse of power," ani Binay.
- Latest