^

Bansa

Okt. 31 may pasok – Palasyo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi idedeklara ng Malacañang na holiday ang Oktubre 31, Biyernes na bisperas ng Araw ng mga Patay.

Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ang Nobyembre 1 lamang ang walang pasok o holiday base na rin sa  inilabas na Proclamation No. 655.

Ayon kay Coloma, hindi kasama ang Oktubre 31 sa mga inanunsiyo na walang pasok kaya maaring magpaalam na lamang ang mga empleyadong nasa pribadong sektor sa kanilang mga employers.

Naniniwala si Coloma na mapagbibigyan ang mga empleyado sa pribadong sektor na magpapaalam upang makauwi sa kani-kanilang probinsiya kahit pa holiday o hindi bilang pagbibigay pugay na rin sa mga kamag-anak na namatay.

Inihayag din ni Coloma na naghayag na ng guidelines si Labor Sec. Rosalinda Baldoz sa magiging patakaran sa pagbibigay ng suweldo sa mga papasok sa Nobyemre 1 na idineklarang non-working day. (Malou Escudero)

 

 

vuukle comment

ARAW

AYON

COLOMA

COMMUNICATIONS SECRETARY HERMINIO COLOMA JR.

LABOR SEC

MALOU ESCUDERO

OKTUBRE

PROCLAMATION NO

ROSALINDA BALDOZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with